𝐀𝐜𝐭𝐮𝐚𝐥 𝐭𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐃𝐫𝐢𝐯𝐢𝐧𝐠 𝐍𝐂 𝐈𝐈 𝐬𝐚 𝐑𝐌𝐃𝐂

Ang DRIVING NC II qualification ay binubuo ng mga kakayahan na dapat makamit ng isang tao upang magpatakbo ng mga sasakyan na light motor vehicles sa ilalim ng LTO Restriction code 1 at 2, maghatid ng mga pasahero at karga sa mga espesipikong ruta, sumunod sa mga lokal na alituntunin at regulasyon sa trapiko at magsagawa ng minor vehicle repairs.

Kasama sa mga yunit ng kakayahan ng kwalipikasyong ito ang Core Competency na Drive Light Vehicle. Ang yunit na ito ay binubuo ng mga kasanayan at kaalaman na kinakailangan upang ligtas na magmaneho ng isang sasakyan.

Makikita sa mga larawan ang aktwal na aplikasyon ng mga kasanayang natutunan ng mga trainees sa Regional Manpower Development Center (RMDC) na matatagpuan sa Brgy. Rebuken, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.

#RMDC

#OneMBHTE

#NoBangsamoroLearnerLeftBehind

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *