๐๐€๐‘๐Œ๐Œ ๐ง๐š๐ -๐ฎ๐ฐ๐ข ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฅ ๐›๐ข๐ฅ๐š๐ง๐  ๐Ÿ๐ฌ๐ญ ๐‘๐ฎ๐ง๐ง๐ž๐ซ-๐”๐ฉ ๐ฌ๐š ๐ˆ๐๐จ๐ฅ๐ฌ ๐ง๐  ๐“๐„๐’๐ƒ๐€ ๐€๐ฐ๐š๐ซ๐ ๐ฌ๐š ๐–๐š๐ ๐ž-๐„๐ฆ๐ฉ๐ฅ๐จ๐ฒ๐ž๐ ๐‚๐š๐ญ๐ž๐ ๐จ๐ซ๐ฒ

Sa kauna-unahang pagkakataon at sa ilalim ng pamumuno ni Minister of Education Mohagher M. Iqbal, nakapag-uwi ng gantimpala ang MBHTE TESD bilang 1st Runner-up sa Idols ng TESDA Award, Wage-Employed Category. Ang parangal na ito ay tinanggap ni Shaid Hasannal A. Halun, isang TVET trainer mula sa probinsya ng Tawi-Tawi na nagtuturo ng mga programang pang turismo sa Mahardika Institute of Technology, Inc.

Gamit ang kaniyang degree sa Hotel and Restaurant Management at mga TESDA National Certificates sa mga kwalipikasyong Housekeeping NC II at NC III, Cookery NC II, Commercial Cooking NC III, Bread and Pastry Production NC II, Food and Beverage Services NC II, Carpentry NC II, at Agricultural Crops Production NC I, si Shaid Hasannal A. Halun ay masugid na nagbahagi ng kaniyang mga kaalaman bilang TVET trainer sa mga kabataan ng Tawi-Tawi at Sulu.

Personal na iginawad ang parangal nina TESDA Director General Suharto T. Mangudadatu, Ph.D. kasama ng mga TESDA Deputy Directors General Aniceto D. Bertiz III, Vidal D. Villanueva III, at Rosanna A. Urdaneta. Lubos ang pasasalamat ng MBHTE TESD Bangsamoro Director General Ruby A. Andong sa pagkakataon na makilala ang Bangsamoro region sa larangan ng TVET.

Ang Idols ng TESDA Award ay isa sa mga pinakamataas na gantimapala na ipinagkakaloob ng TESDA sa mga indibidwal na naging matagumpay sa tulong ng mga programang tekbok. Ang mga kwento ng TESDA Idols ay isa sa mga pinakamalakas na adbokasiya para sa mga kabataan at sa mga naghahanap ng trabaho na may oportunidad makapag-hanapbuhay sa pamamagitan ng TVET.

Layunin ng Idols ng TESDA Award na mabigyang pagkilala ang mga graduates ng Technical Vocational Education and Training (TVET) na naging matagumpay sa kanilang napiling bokasyon at nakapagbigay ng malaking ambag sa kanilang komunidad. Nais din ng programa na pagtibayin ang kamalayan at pagpapahalaga ng publiko sa mga programang tekbok.

#OneMBHTE

#NoBangsamoroLearnerLeftBehind

Bangsamoro Ministry of Basic, Higher and Technical Education

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *