𝐁𝐏𝐏 𝐭𝐫𝐚𝐢𝐧𝐞𝐞𝐬, 𝐬𝐮𝐦𝐚𝐢𝐥𝐚𝐥𝐢𝐦 𝐬𝐚 𝐉𝐨𝐛 𝐒𝐡𝐚𝐝𝐨𝐰𝐢𝐧𝐠
Ngayong araw, September 22, 2023, isinagawa ang Job Shadowing para sa mga trainees ng Bread and Pastry Production NC II, may kabuuang pitumpo’t lima (75), na ginanap sa Curly Frost.
Ang job shadowing ay isang school-supervised career exploration activity na kung saan bumibisita ang mga nagsasanay sa mga worksite at sila ay magsisilbing parang empleyadong anino na bibigyan ng pagkakataong makapag-obserba sa mga ginagawa sa isang worksite.
Bago nagsimula ang aktibidad, nagkaroon muna ng orientation kung saan pormal na binuksan ni BPP Trainer Ryan Pukunum ang aktibidad. Ibinahagi naman nina Curly Frost owner Farhana Rogong at PCMDC Planning Officer Anuar Maute ang history ng Curly Frost at PCMDC. Dumalo din sa aktibidad ang mga Interns at iba pang staff ng PCMDC.
Matatandaang nagkaroon ng pagpupulong sa pagitan nina MBHTE-TESD Provincial/City Manpower Development Center Administrator Insanoray Macapaar at Curly Frost owner Farhana Rogong, kung saan kanilang pinag-usapan ang naturang job shadowing.
#GanapSaPCMDC#JobShadowing#TESDAAbotLahat#OneMBHTE#NoBangsamoroLearnersLeftBehind