𝐁𝐚𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐒𝐤𝐢𝐥𝐥𝐬 𝐂𝐨𝐦𝐩𝐞𝐭𝐢𝐭𝐢𝐨𝐧, 𝐢𝐬𝐢𝐧𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐬𝐚 𝐏𝐂𝐌𝐃𝐂
Nagkaroon ng Bread and Pastry Production Skills Competition para sa mga empleyado ng MBHTE-TESD Provincial/City Manpower Development Center, na pinangunahan ni BPP Trainer Ryan P. Pukunum, bilang paggunita sa selebrasyon ng 5th anibesaryo ng BARMM.
Ang mga kalahok na empleyado ay pawang mga BPP NC II holders, na may mga kaparehang interns. Sila ay pinagawa ng chiffon cake, petit fours, cinnamon roll, at butter cookies. Ang kanilang mga nagawa ay ipamimigay naman sa mga toril o orphange center na inisyatibo ni PCMDC Administrator Insanoray Macapaar.
Sa pagtatapos ng kompetisyon, ang mga hurado na organic employees ay nagbigay ng kani-kanilang opinyon at grado sa mga nagawang bread at pastries. Binigyan ng premyo ang 1st placer, 2nd placer at 3rd placer, consolation prize naman para sa mga hindi pinalad.
Taon-taong ginugunita ng opisina ng PCMDC ang anibersaryo ng BARMM, bilang pagbibigay pugay at pag-alala sa kabayanihan ng ating mga ninuno.