𝐁𝐚𝐧𝐠𝐬𝐚𝐦𝐨𝐫𝐨 𝐓𝐄𝐒𝐃 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐢𝐭𝐭𝐞𝐞 𝐬𝐢𝐧𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐩𝐨𝐥𝐢𝐬𝐢𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐓𝐕𝐄𝐓 𝐬𝐚 𝐢𝐤𝐚𝐛𝐮𝐛𝐮𝐭𝐢 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐩𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐓𝐄𝐒𝐃

Sa patuloy na pagpapabuti ng mga programang tekbok sa Bangsamoro, sinagawa ang pangatlong regular na Bangsamoro TESD Committee (BTESDC) meeting na pinamunuan ng ng BTESDC Chair galing sa Industry Sector na si Atty. Ronald Hallid D. Torres kasama ang MBHTE TESD Bangsamoro Director General Ruby A. Andong.

Kasama sa mga agenda ng nasabing Komite meeting ay ang pagtalakay sa Labor Market Information ng Coconut Industry at ng Green Economy upang maisulong sa rehiyon ang mga posibleng programa, skills trainings, curriculum development, at mga polisiya para mapalago ang mga nasabing sector sa Bangsamoro.

Isa rin sa mga naging highlight ng nasabing pagtitipun ay ang pag-apruba at pag-endorso ng Basilan Skills Priorities upang maisapaloob sa Bangsamoro Skills Priorities. Ito ay alinsunod sa Area-Based Demand Driven TVET (ABDDT) kung saan sinisigurong ang mga programang TVET tulad ng Bangsamoro Scholarship Program for TVET (BSPTVET) at iba pang mga scholarship programs ay tumutugon sa mga pangangailangan ng mga industriya at iba pang ecnomic activities ng probinsya at rehiyon.

Ginanap ang 3rd quarter Bangsamoro TESD Committee meeting noong ika 28-29 ng Agosto kasama ang mga miyembro ng komite mula sa pribadong sector tulad ng industry, academe at labor sector. Kasama rin bilang miyembro ng komite ang Ministry of Science and Technology (MOST), Ministry of Labor and Employment (MOLE), Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform (MAFAR), Ministry of the Interior and Local Government (MILG), Ministry of Trade, Investment and Tourism (MTIT), Bangsamoro Board of Investments (BBOI), Basic, Higher, Technical at Madaris Education ng MBHTE.

#OneMBHTE

#NoBangsamoroLearnerLeftBehind

Bangsamoro Ministry of Basic, Higher and Technical Education

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *