𝐂𝐀𝐑𝐏𝐄𝐍𝐓𝐑𝐘 𝐍𝐂 𝐈𝐈 𝐆𝐫𝐚𝐝𝐮𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐂𝐞𝐫𝐞𝐦𝐨𝐧𝐲 𝐚𝐧𝐝 𝐑𝐞𝐥𝐞𝐚𝐬𝐢𝐧𝐠 𝐨𝐟 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐂𝐞𝐫𝐭𝐢𝐟𝐢𝐜𝐚𝐭𝐞𝐬
Ang Graduation Ceremony at Releasing of Training Certificates para sa 25 trainees na nakapagtapos sa ilalim ng programang BSPTVET sa kwalipikasyong Carpentry NC II ay matagumpay na idinaos ngayong araw ng Miyerkules, Hunyo 5, 2024, na ginanap sa Cotabato City Manpower Development Center.
Ang nasabing programa ay pinangungunahan ni CCMDC Center Administrator, Engr. Moheden R. Saribo, kasama ang Vocational Instruction Supervisor (VIS) na si Sir Joevanie M. Tabudlo, at ang trainer ng nasabing kwalipikasyon na si Sir Macmod A. Hadji Ali, pati na rin ang iba pang kasapi ng CCMDC Staff.
Nagpahatid ng taos-pusong pagbati si CCMDC Administrator na nagpapahayag ng kanyang labis na kagalakan sa tagumpay ng mga trainees at ng programa. Ipinahayag niya ang kanyang kumpiyansa sa kakayahan ng mga trainees na magtagumpay sa kanilang hinaharap na mga tungkulin at pagsubok.
Hinimok din ang mga trainees na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral at pagsasanay upang mapalawak pa ang kanilang kaalaman at maging matagumpay sa kanilang propesyon. Ang seremonya ay hindi lamang isang pagtatapos kundi isang simula ng mas malawakang oportunidad at tagumpay sa hinaharap para sa bawat isa sa kanila.
Nagpapasalamat din ang mga trainees dahil naging bahagi sila ng MBHTE-TESD Program at nabigyan sila ng pag-asa na maisakatuparan ang kanilang mga kaalaman sa tunay na buhay at sa larangan ng pangkabuhayan.