𝐂𝐋𝐎𝐒𝐈𝐍𝐆 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌 𝐈𝐒𝐈𝐍𝐀𝐆𝐀𝐖𝐀 𝐒𝐀 𝐒𝐔𝐌𝐈𝐒𝐈𝐏, 𝐁𝐀𝐒𝐈𝐋𝐀𝐍
70 trainees ang matagumpay na nakapagtapos sa ilalim ng programang Bangsamoro Scholarship Program for TVET sa lugar ng Barangay Upper Cabengbeng, Sumisip, Basilan.
45 na trainees ng Shielded Metal Arc Welding (SMAW) NC II sa ilalim ng Institusyon ng Ma’had Mukhtar Liddirasatil Islamiyyati Inc. at 25 na trainees na mga SENIOR CITIZEN ng Agricultural Crops Production (ACP) NC I sa ilalim naman ng institusyon ng Basilan Skills Development Academy Inc.
Tinanggap nila ang kanilang mga certificates at training support fund na ipinamahagi ng mga tauhan ng MBHTE-TESD Basilan. Ito ay naganap nito lamang 11 ng Enero, taong 2024.
Ito ay naging matagumpay sa pangunguna ni Provincial Director Muida S. Hataman na kinatawan ni Supervising TESD Specialist Mr. Yasher R. Hayudini at Scholarship Focal Mr. Muhmin J. Edrosolo Katuwang ang School President ng Ma’had Muhktar na si Mr. Romy H. Kabak at School President ng BASDA na si Hja. Isniraiyam D. Escandar na kinatawan ni AC Manager Mr. Al Khaedar S. Janatul.