𝐂𝐚𝐫𝐩𝐞𝐧𝐭𝐫𝐲 𝐬𝐜𝐡𝐨𝐥𝐚𝐫𝐬, 𝐬𝐮𝐦𝐚𝐢𝐥𝐚𝐥𝐢𝐦 𝐬𝐚 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐂𝐨𝐦𝐩𝐞𝐭𝐞𝐧𝐜𝐲 𝐀𝐬𝐬𝐞𝐬𝐬𝐦𝐞𝐧𝐭
Nagsagawa ng tatlong araw na National Competency Assessment ang opisina ng MBHTE-TESD Provincial/City Manpower Development Center. May kabuuang dalawampu’t limang scholars mula sa Amin Multi Skills Institute of Technology and Assessment Center, Inc., ang sumailalim sa nasabing pagtatasa, sa ilalim ng BSPTVET.
Ginanap ito sa PCMDC Assessment Center, kasabay ng assessment ng Dressmaking, na bahagi rin ng selebrasyon ng 14th Anniversary ng PCMDC, May 2-4, 2023.
Si Rosbel Mangotara ang Competency Assessor ng nasabing assessment, isa sa mga Trainers/Assessors ng PCMDC.
#GanapSaPCMDC #Assessment #TESDAAbotLahat #OneMBHTE #NoBangsamoroLearnersLeftBehind