𝐂𝐨𝐦𝐩𝐥𝐢𝐚𝐧𝐜𝐞 𝐀𝐮𝐝𝐢𝐭, 𝐩𝐮𝐬𝐩𝐮𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐢𝐧𝐮𝐭𝐮𝐭𝐮𝐤𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐌𝐁𝐇𝐓𝐄 – 𝐓𝐄𝐒𝐃 𝐌𝐚𝐠𝐮𝐢𝐧𝐝𝐚𝐧𝐚𝐨 𝐏𝐫𝐨𝐯𝐢𝐧𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞
Upang masiguro ang de kalidad na serbisyo para sa mga TESD iskolars, nagkakaroon ng Compliance Audit kung saan nakasalalay ang Re-issuance ng CTPR ng mga Technological Vocational Institute (TVI).
Upang sila ay makakuha ng bagong CTPR, kinakailangang sila ay makapasa sa nasabing audit kung saan oobserbahan ng MBHTE – TESD Maguindanao Provincial Office ang mga makinarya at proseso ng kanilang pagtuturo sa mga TESD iskolars – kung sila ba ay sumusunod sa mga patakaran na itinakda ng TESDA Central Office o hindi.
Ang CTPR ay ang dokumento na nagsisilbing lisensya sa isang paaralan upang ito’y makapagturo ng Technical at Vocational skills sa mg TESD iskolars.
Ang TVI na isinailalim sa naturang audit ay ang Upi Agricultural School sa Upi, Maguindanao noong August 11, 2023. Ang mga kwalipikasyon na ininspeksyon ay ang mga sumusunod:
1. Pest Management NC II
2. Organic Agricultural Produce NC II
3. Agricultural Crops Production NC II
4. Animal Production NC II
Nagpahayag naman ng kooperasyon ang nasabing TVI sa nasabing aktibidad upang mas mapabuti pa ang kanilang serbisyo sa mga TESD scholars.