𝐂𝐮𝐥𝐦𝐢𝐧𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦 𝐢𝐬𝐢𝐧𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝟕𝟓 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐛𝐚𝐢𝐡𝐚𝐧
Isinagawa ng MBHTE-TESD Provincial/City Manpower Development Center ang Culmination Program para sa pitumpo’t limang (75) kababaihan mula sa Brgy. Bubong Madanding, Marantao, Lanao del Sur, kahapon, Mayo 25, 2023.
Ang mga kababaihang nagtapos ay sumailalim sa Cake Making at Bread Making Skills Training, at isa ito sa mga naging programa at aktibidad ni MBHTE-TESD PCMDC Center Chief Insanoray Amerol-Macapaar para sa mga kababaihan o Gender and Development (GAD).
Pinangunahan ni Chief Macapaar ang nasabing programa. Kasama rin ang mga empleyado ng PCMDC na sina Junayah Abdullatif na siyang lady of ceremony, GAD Focal Raihanah Amerol, Liaison Officer Hamza Hadji Ali, at Information Officer Sittie Aina A. Yahya. Dumalo rin ang Chairman ng nasabing barangay na si Mohammad Saeed Abdulrahman.
#GanapSaPCMDC#TESDAAbotLahat#OneMBHTE#NoBangsamoroLearnersLeftBehind