𝐂𝐮𝐬𝐭𝐨𝐦𝐞𝐫 𝐒𝐚𝐭𝐢𝐬𝐟𝐚𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞𝐫 𝐂𝐚𝐥𝐢𝐛𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧
Isinagawa ang calibration para sa mga Customer Satisfaction Officers ng MBHTE-TESD Provincial/City Manpower Development Center, noong May 12, 2023, sa pangunguna ni Mahid B. Hadji Salic.
Ang aktibidad na ito ay naglalayong lalo pang malaman ang kahulugan at kahalagahan ng pagbibigay serbisyo sa mga kliyente, ang pangangailangang magbigay ng mahusay na serbisyo sa customer, ang mga layunin nito, pagbuo ng magandang relasyon sa customer, at ang mga tungkulin at responsibilidad ng isang Customer Satisfaction Officer.
Dumalo sa calibration ang mga empleyadong itatalaga bilang ‘officer of the day’. Ang calibration na ito ay magiging isang malaking tulong sa pagbibigay ng pinakamahusay na kalidad na serbisyo sa mga Bangsamoro.