𝐃𝐀𝐋𝐀𝐖𝐀𝐌𝐏𝐔’𝐓 𝐋𝐈𝐌𝐀𝐍𝐆 𝐓𝐑𝐀𝐈𝐍𝐄𝐄𝐒, 𝐒𝐔𝐌𝐀𝐈𝐋𝐀𝐋𝐈𝐌 𝐒𝐀 𝐓𝐑𝐀𝐈𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐈𝐍𝐃𝐔𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌 𝐒𝐀 𝐂𝐎𝐓𝐀𝐁𝐀𝐓𝐎 𝐂𝐈𝐓𝐘.
Matagumpay na isinagawa ang Training Induction Program (TIP) sa LEE and RRJ Institution para sa dalawampu’t limang (25) trainees ng Driving NC-II, kasama ang mga kawani ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education-Technical Education and Skills Development, Cotabato City District Office (MBHTE-TESD CCDO) ngayong araw ng Lunes, ika-27 ng Mayo, taong 2024.
Layunin ng programa na magbigay ng sapat na kaalaman at kasanayan sa mga trainees. Ipinaalam din sa mga trainees ang kanilang mga benepisyo at mga posibleng oportunidad sa hinaharap.