𝐃𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐝𝐚𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐥𝐢𝐦𝐚𝐧𝐠𝐩𝐮𝐧𝐠 (𝟐𝟓𝟎) 𝐞𝐬𝐭𝐮𝐝𝐲𝐚𝐧𝐭𝐞 𝐝𝐮𝐦𝐚𝐥𝐨 𝐬𝐚 𝐦𝐚𝐬𝐬 𝐠𝐫𝐚𝐝𝐮𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐌𝐁𝐇𝐓𝐄 𝐓𝐄𝐒𝐃 𝐂𝐨𝐭𝐚𝐛𝐚𝐭𝐨 𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐃𝐢𝐬𝐭𝐫𝐢𝐜𝐭 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 (𝐂𝐂𝐃𝐎)

Masayang nakapagtapos ang dalawang daan at limangpu (250) estudyante sa ilalim ng Bangsamoro Scholarship Program for TVET (BSPTVET) 2023 nitong ika 29-Nobyembre taong 2023 na isinagawa sa Academia De Technologia in Mindanao, Inc., Cotabato City.

Ang mga nasabing graduates ay nasipagtapos ng iba’t ibang kurso ng tekbok tulad ng;

1. Driving NC II

2. Electrical Installation and Maintenance NC II

3. Electronic Products Assembly and Servicing NC II

4. Food Processing NC II

5. Masonry NC II

6. PV Systems Installation NC II

7. Shielded Metal Arc Welding NC II

Dumalo rin sa nasabing mass graduation ang MBHTE TESD Bangsamoro Director General Ruby A. Andong at nagbigay ng mensahe ng suporta para sa mga nakapagtapos. Kasamang dumalo ang Provincial Offices ng MBHTE TESD at ng City Labor and Employment Peso sa nasabing aktibidad.

Pinangunahan ng MBHTE TESD Cotabato City District Head Engr. Kalimpo Alim ang pamamahagi ng kanilang mga training certificates.

#NoBangsamoroLearnerLeftBehind

#OneMBHTE

#BSPTVET2023

#CCDOHighlights

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *