𝐄𝐃𝐓, 𝐢𝐬𝐢𝐧𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐃𝐫𝐞𝐬𝐬𝐦𝐚𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐍𝐂 𝐈𝐈 𝐭𝐫𝐚𝐢𝐧𝐞𝐞𝐬

Isinagawa ni MBHTE-TESD Provincial/City Manpower Development Center Vocational Instruction Supervisor Anuar Maute ang tatlong araw na EDT o Entrepreneurship Development Training para sa mga Dressmaking NC II trainees, na ginanap sa Brgy. Cabasaran, Lumba Bayabao, Lanao del Sur.

Ang EDT ay isang programa na tumutulong sa pagbuo ng mga kakayahan sa entrepreneurial. Tinalakay sa EDT ang pagbuo ng mga ideya para sa negosyo at kung paano ito sisimulan.

Ang mga trainees ay sumailam sa 41 araw na skills training kasama ang VTT o Values Transformation Training at EDT. Sila ay mga Decommissioned Combatants na kasama sa mga benepisyaryo ng programa ng Programme on Assistance for Camp Transformation through Inclusion, Violence Prevention, and Economic Empowerment (PROACTIVE) co-funded by the European Union in the Philippines (EU) at ng United Nations Development Programme (UNDP) Philippines.

#GanapSaPCMDC#EDT#OneMBHTE#NoBangsamoroLearnerLeftBehind

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *