𝐄𝐚𝐫𝐭𝐡𝐪𝐮𝐚𝐤𝐞 𝐃𝐫𝐢𝐥𝐥, 𝐢𝐬𝐢𝐧𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐬𝐚 𝐏𝐂𝐌𝐃𝐂

Bilang bahagi parin ng 14th Anniversary Celebration ng MBHTE-TESD Provincial/City Manpower Development Center nagkaroon ng Earthquake Drill para mga empleyado ng nasabing ahensya, na may temang “Preparing for the Unexpected”.

Ito ay isinagawa hapon ng May 3, 2023, matapos ang Tree Planting Activity, sa mismong tanggapan ng PCMDC, na isinagawa ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).

Ang lindol ay isang mahina hanggang sa marahas na pagyanig ng lupa na dulot ng biglaang paggalaw ng mga bato sa ilalim ng lupa.

Itinuro ang kahalagahan ng 3 basic earthquake drill ang Drop, Cover, at Hold On – isang aksyong ligtas sa lindol na idinisenyo upang protektahan ang mga buhay at maiwasan ang mga pinsala mula sa pagkahulog ng mga kasangkapan at lumilipad na bagay na maaaring maging projectiles sa panahon ng pagyanig ng lupa.

Si Operation Chief Lindy M. Macawadib ang naging facilitator ng nasabing drill.

#GanapSaPCMDC #EarthquakeDrill #NoBangsamoroLearnersLeftBehind

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *