𝐅𝐢𝐫𝐞 𝐒𝐮𝐩𝐩𝐫𝐞𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐃𝐫𝐢𝐥𝐥, 𝐢𝐬𝐢𝐧𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐬𝐚 𝐏𝐂𝐌𝐃𝐂
Kasabay ng Earthquake Drill na isinagawa ng PDRRMO, isinagawa din ang Fire Drill para sa mga empleyado ng MBHTE-TESD Provincial/City Manpower Development Center, May 3, 2023, sa mismong tanggapan ng ahensya. Ito ay bilang bahagi rin ng 14th year Anniversary Celebration ng PCMDC na may temang “Preparing for the Unexpected”.
Isinagawa ng Bureau of Fire Protection Lanao del Sur ang naturang drill sa pangunguna ni OIC – City Fire Marshal (CFM) SINSP Ronald Ali M. Ampang.
Ang fire drill ay isang simulation ng evacuation na tumutulong sa paghahanda ng mga kalahok para sa isang emergency na sitwasyon. Ang pagpapatakbo ng mga drill ay pagpapaalam sa mga tao kung ano ang aasahan at kung paano tumugon nang ligtas.
Gayunpaman, ang mga pagsasanay na ito ay hindi lamang upang maghanda para sa mga sunog. Sinasanay din ang mga empleyado sa ilang potensyal na kasanayang nagliligtas ng buhay. Kasama na rin ang tamang paggamit ng fire extinguisher