𝐆𝐫𝐚𝐝𝐮𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐂𝐞𝐫𝐞𝐦𝐨𝐧𝐲 𝐢𝐬𝐢𝐧𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐬𝐚 𝐏𝐨𝐨𝐧𝐚 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐛𝐚𝐨, 𝐋𝐚𝐧𝐚𝐨 𝐝𝐞𝐥 𝐒𝐮𝐫

Isinagawa ang Graduation Ceremony at Releasing of Training Support Fund allowance para sa mga Trainees na nagsanay ng Tile Setting NC II (25) at Driving NC II (25) Ika- 6 ng Hunyo taong 2024 sa may Bansayan, Poona-Bayabao, Lanao del Sur.

Ang nasabing programa ay sa ilalim ng Bangsamoro Scholarship Program for TVET-Tulong ng Tekbok sa Pag-angat ng Bangsamoro 2024.

Pinangunahan ng TESD Lanao del Sur Provincial Office sa pamumuno ni Director Asnawi L. Bato ang nasabing pagtatapos katuwang ang TVIs na Macaumbao Training and Assessment Center, Inc. at View Valley Training Center, Inc.

Nagpahayag ng labis na tuwa at pasasalamat ang mga nakapagtapos dahil magagamit nila ang mga panibagong kaalaman at kasanayan para sa ikauunlad ng kanilang komunidad.

#LDS

#nobangsamorolearnersleftbehind

#OneMBHTE

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *