𝐆𝐫𝐚𝐝𝐮𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐜𝐞𝐫𝐞𝐦𝐨𝐧𝐲 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐦𝐚𝐦𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐠𝐢 𝐧𝐠 𝐓𝐒𝐅, 𝐧𝐚𝐠𝐩𝐚𝐩𝐚𝐭𝐮𝐥𝐨𝐲 𝐬𝐚 𝐏𝐂𝐌𝐃𝐂
Muling nagdaos ng graduation ceremony ang opisina ng MBHTE-TESD Provincial/City Manpower Development Center, na pinangunahan ni Center Administrator Insanoray Macapaar, para sa mga Bread and Pastry Production NC II trainees. Isinagawa ang seremonya sa Brgy. Dado, Ditsaan Ramain, Lanao del Sur, Setyembre 28, 2023.
Kasabay din nito ay ang pagtanggap ng mga trainees ng kani-kanilang training support fund at training certificate. Ginawaran naman na Best Trainee si Jamila M. Angcolo.
Ang mga trainees ay sumailalim sa araw na community-based skills training, at sila ay mga residente ng Munisipalidad ng Ditsaan Ramain.
Dumalo sa seremonya si Brgy. Dado Chairman Azis Romoros Macud na siyang nagsilbing Guest of Honor, CTEC Focal Sahrany Bayabao, at MRUC Chairman Abdulazis Cali na nagbigay din ng mensahe para sa mga trainees. Dumalo rin si Municipal Councilor Otowa Hadji Ali bilang pagpapakita ng suporta na siyang may inisyatibong makipag-ugnayan sa PCMDC upang mabigyan ng skills training ang mga residente ng naturang munisipalidad.
Lubos na pasasalamat at kagalakan ang ipinakita ng mga nagtapos.
#GanapSaPCMDC#GraduationCeremony#TESDAAbotLahat#OneMBHTE#NoBangsamoroLearnersLeftBehind