𝐆𝐫𝐨𝐮𝐧𝐝𝐛𝐫𝐞𝐚𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐂𝐞𝐫𝐞𝐦𝐨𝐧𝐲 𝐧𝐠 𝐓𝐚𝐰𝐢-𝐓𝐚𝐰𝐢 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐂𝐞𝐧𝐭𝐞𝐫 𝐈𝐬𝐢𝐧𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐧𝐢𝐨𝐧𝐠𝐚𝐧, 𝐁𝐨𝐧𝐠𝐚𝐨, 𝐓𝐚𝐰𝐢-𝐓𝐚𝐰𝐢
Matagumpay na naisagawa ang groundbreaking ceremony para sa itatayong Provincial Training Center ng Ministry of Basic Higher and Technical Education – Technical Education and Skills Development (MBHTE-TESD) noong ika-4 ng Agosto 2024 sa Barangay Paniongan, Bongao, Tawi-Tawi.
Ang seremonya ay pinangunahan nina MBHTE-TESD Provincial Director Maryam S. Nuruddin, Center Administrator ng Provincial Training Center ng Tawi-Tawi Elmin H. Arsad, at Project Engineer ng MBHTE-BARMM Zubair A. Guiaman, na siyang Chief ng Education Facilities Section, kasama ang project contractor na si Engineer Amilhamza Bakil Junaid mula sa IES Construction and Development.
Ayon kay MBHTE-TESD Provincial Director Maryam S. Nuruddin, malaking pasasalamat ang kanyang ipinaabot dahil sa pagkakaroon ng pansin sa proyektong ito na magtatayo ng isang training center para sa lalawigan. Ani niya, “Sa tulong at suporta nina BARMM Chief Minister Anod Balawag Ebrahim at MBHTE-Minister Mohagher M. Iqbal, maisasakatuparan na ang pagtatayo ng training center na ito.”
Kasabay ng pagbubukas ng pasilidad ay ang pag-aalok ng iba’t ibang kasanayan at diploma program na naka-align sa priority skills program ng MBHTE-TESD, na magbibigay ng mas maraming oportunidad para sa mga residente ng Tawi-Tawi na mapaunlad ang kanilang mga kakayahan at kasanayan.
Ang pagtatayo ng training center na ito ay isang mahalagang hakbang tungo sa mas progresibong edukasyon at pagsasanay sa rehiyon ng Bangsamoro, na naglalayong magbigay ng mas magandang kinabukasan para sa mga mamamayan nito.