𝐈𝐧𝐭𝐞𝐫𝐧𝐚𝐥 𝐐𝐮𝐚𝐥𝐢𝐭𝐲 𝐀𝐮𝐝𝐢𝐭 𝐢𝐬𝐢𝐧𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐬𝐚 𝐌𝐁𝐇𝐓𝐄 𝐓𝐄𝐒𝐃 𝐌𝐚𝐠𝐮𝐢𝐧𝐝𝐚𝐧𝐚𝐨 𝐏𝐫𝐨𝐯𝐢𝐧𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞
Isinasagawa ang internal quality audit sa tanggapan ng MBHTE TESD Maguindanao Provincial Office nitong July 7 at July 9, 2023. Isinagawa ang audit upang masigurong tama at kalidad na serbisyo ang ibinibigay ng mga empleyado ng opisina sa bawat mamamayan.
Ilan sa mga sinusuri ng mga kinatawan mula sa Regional Office ang Documents and Records Controller, Customer Satisfaction, Competency Assessment and Certification System, UTPRAS, General Services & Maintenance at ICT.
Pinangunahan ni Lead Auditor Mr. Jay B. Camiña ang nasabing audit kasama ang compliance audit team, na sina Abdulhakim T. Sauti Jr, Edlyn A. Limpangan, Nur Ayn M. Guinomla, at Anna Lornette Ho.
Patuloy na ginagawa ng opisina ang lahat ng kanilang makakaya upang masigurong kalidad na serbisyo ang ibinabahagi sa lahat at mas mapaganda pa ang paghatid ng serbisyo.