𝐈𝐬𝐢𝐧𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐞𝐫𝐛𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐂𝐚𝐫𝐚𝐯𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐁𝐫𝐠𝐲. 𝐓𝐚𝐫𝐚𝐰𝐚𝐤𝐚𝐧, 𝐁𝐨𝐧𝐠𝐚𝐨, 𝐓𝐚𝐰𝐢-𝐓𝐚𝐰𝐢

Ang nasabing programa ay naglalayon ng pagkakaisa at pagtutulungan upang ihatid ang tulong sa mga batang nangangailangan na maitawid ang kanilang pag-aaral.

Ang programang ito ay pinangungunahan ni LTCOL JUNNIBERT S. TUBO, Commanding Officer ng MBLT-12, Nalil, Tawi-Tawi kasama ang MBHTE-TESD PO, Tawi-Tawi at ibang stakeholders.

Sa pamamagitan nito ay naiparating sa 250 na mga batang mag-aaral ng elementarya sa Brgy. Tarawakan ang mga school supplies at iba pang gamit pampaaralan.

Masayang tinanggap at buong pusong nagpapasalamat ang mga kabataang nakatanggap ng biyaya mula sa nasabing caravan. Nagpapasalamat naman ang Scholarship Focal ng MBHTE-TESD PO, Tawi-Tawi na si Mer-Amina M. Jumadil, bilang representative ng Provincial Director, Dr. Maryam S. Nuruddin, kanyang sinabe “it is an honour to be part of this service caravan and to LTCOL Junnibert S. Tubo, may we continue to have this kind of outreach program and may we continue to strengthen our goals and mission for the brighter future.”

#NoBangsamoroLearnersLeftBehind

#OneMBHTE

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *