𝐉𝐈𝐂𝐀 𝐌𝐢𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦𝐦𝐞 𝐟𝐨𝐫 𝐭𝐡𝐞 𝐔𝐫𝐠𝐞𝐧𝐭 𝐈𝐦𝐩𝐫𝐨𝐯𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐒𝐨𝐜𝐢𝐨𝐞𝐜𝐨𝐧𝐨𝐦𝐢𝐜 𝐈𝐧𝐟𝐫𝐚𝐬𝐭𝐫𝐮𝐜𝐭𝐮𝐫𝐞 𝐢𝐧 𝐭𝐡𝐞 𝐁𝐚𝐧𝐠𝐬𝐚𝐦𝐨𝐫𝐨 𝐑𝐞𝐠𝐢𝐨𝐧

Ang mga opisyal mula sa Japan International Cooperation Agency (JICA) ay bumisita sa Ministry of Basic, Higher and Technical Education – Technical Education and Skills Development (MBHTE-TESD), RMD Complex, Brgy. Rebuken, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte noong Oktubre 11-12, 2023 bilang bahagi ng JICA Mission Programme for the Urgent Improvement of Socioeconomic Infrastracture in the Bangsamoro Region para sa pangatlong Minutes of Discussion sa pagitan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Ministries, JICA, at Japan International Cooperation System (JICS).

Kasama sa pagpupulong ang tatlong mahalagang aktibidad: project site visit para sa Regional Manpower Development Center (RMDC) dormitory, pagtatapos ng mga disenyo para sa Provincial/City Manpower Development Center (PCMDC) at mga dormitoryo, gayundin ang pagtatapos ng mga listahan ng equipment and specifications.

Sa pamamagitan ng patuloy na pagtutulungan, nilalayon ng JICA at MBHTE-TESD ang epektibong pagpapatupad ng programa upang mapahusay ang imprastraktura at mapabuti ang mga pasilidad sa rehiyon tungo sa mas maunlad na kinabukasan ng Bangsamoro.

#OneMBHTE

#NoBangsamoroLearnerLeftBehind

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *