๐๐๐ฅ๐๐ค๐ข๐ง๐ ๐ง๐๐ฆ๐๐ฆ๐๐ค๐ ๐ง๐ ๐๐ ๐๐, ๐๐๐๐๐ค๐ข๐ฉ ๐ฌ๐ ๐๐ง๐ญ๐ซ๐๐ฉ๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐๐ฉ๐๐ซ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง
Nahuli sa isang entrapment operation na isinagawa ngayong June 09, 2023, ang isang lalaking nag-ngangalang Datu Semion E. Lauban, 20 years old, residente ng RH10, Malagapas, Cotabato City.
Ang nasabing suspect ay nagbebenta ng mga pekeng NC II o National Certificate sa halagang โฑ3,500. Pinagbebenta ang mga pekeng NC II sa facebook kung saan nagkaroon na ng maraming customer ang nasabing suspect.
Pinangunahan ni Police Major John Vincent F. Bravo kasama ang mga pulis sa Cotabato City Police Station 2 ang nasabing operasyon kung saan naging katuwang din nila ang MBHTE-TESD Maguindanao Provincial Office at MBHTE-TESD Cotabato City District Office.
Sa kasalukuyan ay nasa mga otoridad na ang nasabing suspect. Sasampahan ng opisina ng kaukolang kaso ang nadakip na suspect upang magsilbing babala sa mga namemeke ng pampublikong dokumento gaya ng National Certificate na ini-issue lamang para sa mga nakapasa ng Assessment pagkatapos makapagsanay sa mga TESDA Accredited na mga Technical Vocational Institutes.
Ang sinumang gumagawa ng mga illegal o peke na pampublikong dokumento ay maaaring masampahan ng kaso ng โFalsification of Public Documentsโ. Nagbibigay babala ang MBHTE TESD sa mga bumibili at nagbebenta ng mga pekeng dokumento.