𝐌𝐀𝐒𝐒 𝐆𝐑𝐀𝐃𝐔𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐂𝐄𝐑𝐄𝐌𝐎𝐍𝐘 𝐈𝐒𝐈𝐍𝐀𝐆𝐀𝐖𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐑𝐎𝐁𝐈𝐍𝐒𝐘𝐀 𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐖𝐈-𝐓𝐀𝐖𝐈
Isang matagumpay na Mass Graduation Ceremony ang isinagawa ng MBHTE-TESD Tawi-Tawi Provincial Office, na ginanap mula ika-3 hanggang ika-11 ng Agosto 2024, para sa higit na tatlong daan at anim-napu’t isang (361) trainees na nakumpleto ang kanilang pagsasanay sa ilalim ng Bangsamoro Scholarship Program for Free TVET (BSPTVET). Ang seremonya ay bahagi ng programang “Tulong ng Tekbok para sa Pag-angat ng Bangsamoro 2024.”
Ang mga kwalipikasyon ay ang mga sumusunod:
• Cookery NC-II
• Carpentry NC-II
• Bread and Pastry Production NC-II
• Masonry NC-II
• SMAW NC-II
• Organic Agricultural Production NC-II
• PV System Installation NC-II
• Carpentry NC-II
• Cookery NC-II
• Bread and Pastry Production NC-II
• Technical Drafting NC-II
• Computer System Servicing NC-II
• Dressmaking NC-II
• Cookery NC-II
Pinangunahan ni Provincial Director Dr. Maryam S. Nuruddin ang seremonya, kung saan nagkaloob siya ng mga Certificates of Completion at Training Support Fund (TSF) sa mga nagtapos. Ang layunin ng programang ito ay upang mapabuti ang kabuhayan ng mga Bangsamoro sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kasanayan na makakatulong sa kanilang paghahanap ng trabaho, lokal man o sa ibang bansa.
Ang matagumpay na kaganapan ay sinuportahan ng MBHTE-TESD staff, TVI administrators, processing officers, trainers, at assessors na nagbigay ng kanilang dedikasyon upang maisakatuparan ang programa.