𝐌𝐁𝐇𝐓𝐄 𝐓𝐄𝐒𝐃 𝐓𝐓𝐈𝐒 𝐓𝐔𝐌𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐏 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐆𝐎𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐒𝐀𝐊𝐘𝐀𝐍
Tumanggap ng bagong sasakyan ang anim (6) na Training Centers ng Technical Education and Skills Development sa ginanap na Turnover of Vehicles for Driving NCII to TESD Technological Institutions sa Cotabato City Manpower Development Center nitong December 22,2022.
Ang mga naibigay na sasakyan ay pinondohan mula sa contingency fund ng opisina. Masayang tinanggap ng center administrators ang mga sasakyan na siyang gagamitin upang isagawa at maimplementa ang Driving NCII at mabigyan ng pagkakataon na maparami ang makapagtraining. Ang Driving NCII ay isa sa pinaka nais na kursong kunin ng mga nais mag-aral ng tek-bok.
Ang mga tumanggap ng bagong sasakyan ay ang mga sumusunod na training center; Cotabato City Manpower Development Center (CCMDC) sa Cotabato City, Provincial Training Center Maguindanao, Provincial Training Center – Tawi-Tawi, Provincial Training Center – Basilan, Provincial Training Center – Sulu, at Provincial/City Manpower Development Center sa Lanao del Sur.
Pinangunahan ni MBHTE Minister Mohagher Iqbal ang turnover kasama ang Bangsamoro Director General ng TESD, Ruby Andong at mga training administrators na mula sa ibat ibang probinsya ng Bangsamoro Region.