𝐌𝐁𝐇𝐓𝐄-𝐓𝐄𝐒𝐃 𝐤𝐢𝐧𝐢𝐥𝐚𝐥𝐚 𝐧𝐠 𝐌𝐅𝐁𝐌 𝐛𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐬𝐚 𝐬𝐚 𝐭𝐚𝐭𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐨𝐬𝐭 𝐨𝐮𝐭𝐬𝐭𝐚𝐧𝐝𝐢𝐧𝐠 𝐫𝐞𝐯𝐞𝐧𝐮𝐞 𝐜𝐨𝐥𝐥𝐞𝐜𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐌/𝐎/𝐀𝐬 𝐂𝐨𝐭𝐚𝐛𝐚𝐭𝐨 𝐂𝐢𝐭𝐲.
Nito lamang ika-16 ng Abril, ang Bangsamoro Treasury Office (BTO), isa sa mga kawani ng Ministry of Finance, and Budget and Management (MFBM), pinamunuan ang Annual Bangsamoro Local Revenue Collection Forum upang palakasin ang pagtahak nito sa patuloy na autonomiyang pampinansyal sa rehiyon.
Kinilala ang MBHTE-TESD bilang isa sa Most Outstanding Revenue Collecting M/O/As sa nasabing forum na tumanggap ng isang Plaque of Recognition.
Bilang kinatawan ng MBHTE-TESD, tinanggap ni Director Jonaib M. Usman ang nasabing parangal na nagsaad ng pasasalamat at commitment na ipagpapatuloy ang pagsusumikap mapaigi pa ang proseso pagdating sa pagsingil ng mga regional taxes, fees, at charges.