𝐌𝐄𝐌𝐎𝐑𝐀𝐍𝐃𝐔𝐌 𝐎𝐅 𝐀𝐆𝐑𝐄𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓(𝐌𝐎𝐀) 𝐁𝐄𝐓𝐖𝐄𝐄𝐍 𝐌𝐁𝐇𝐓𝐄 𝐓𝐄𝐒𝐃 𝐒𝐔𝐋𝐔 𝐏𝐑𝐎𝐕𝐈𝐍𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐎𝐅𝐅𝐈𝐂𝐄 𝐀𝐍𝐃 𝐍𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐀𝐋 𝐂𝐎𝐌𝐌𝐈𝐒𝐒𝐈𝐎𝐍 𝐎𝐍 𝐌𝐔𝐒𝐋𝐈𝐌 𝐅𝐈𝐋𝐈𝐏𝐈𝐍𝐎𝐒.

Lumagda ang MBHTE TESD Sulu Provincial Office ng memorandum of agreement sa National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) na kinakatawan ni Nehri A. Tan noong Enero 23, 2024, sa NCMF Region IX-B, Office of the Regional Director.

Ang kasunduang ito ay naglalayong paigtingin ang paghahatid ng serbisyo sa mga benepisyaryo ng SMILE Program ng NCMF para sa Solo Parents, OSY, gayundin para sa programa ng Socio-Economic Development Division ng nasabing ahensya.

Ang dalawang partido ay sumang-ayon na magtulungan sa pagsasagawa ng Skills Training, Entrepreneurship training, values transformation training, competency assessment, at pamamahagi ng training support fund.

Nanguna sa paglagda sa MOA ang TESD Sulu Provincial Office, Officer-In-Charge Glenn A. Abubakar, kasama ang National Commission on Muslim Filipinos Regional Director Nehri A. Tan., kasama ang iba pang TESD Sulu at NCMF Personnel, kabilang ang Administrative Officer Abubakar P. Ilahan, at Chief, Socio-Economic Development Division, DMO IV Alda A. Arsip.

Ang pagsasama-sama ng mga programa ng dalawang ahensya ay isang istratehiya upang mapahusay ang empowerment at proteksyon ng marginalized sector at ng publiko at ang programang ito ay may epekto sa komunidad.

#NoBangsamoroLearnersLeftBehind

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *