𝐌𝐄𝐌𝐎𝐑𝐀𝐍𝐃𝐔𝐌 𝐎𝐅 𝐀𝐆𝐑𝐄𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐈𝐓𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐋𝐀𝐁𝐈𝐍𝐋𝐈𝐌𝐀𝐍𝐆 𝐎𝐑𝐆𝐀𝐍𝐈𝐒𝐀𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐒𝐀 𝐂𝐎𝐓𝐀𝐁𝐀𝐓𝐎 𝐂𝐈𝐓𝐘 𝐀𝐓 𝐌𝐁𝐇𝐓𝐄 𝐓𝐄𝐒𝐃 𝐂𝐎𝐓𝐀𝐁𝐀𝐓𝐎 𝐂𝐈𝐓𝐘 𝐃𝐈𝐒𝐓𝐑𝐈𝐂𝐓 𝐎𝐅𝐅𝐈𝐂𝐄, 𝐍𝐈𝐋𝐀𝐆𝐃𝐀𝐀𝐍!
Lumagda ang labinlimang (15) Private Partners mula Cotabato City at ang District Head ng MBHTE-TESD CCDO Engr. Kalimpo M. Alim sa Memorandum of Agreement (MOA) nitong Marso 21, 2024 sa KGI Office, Bagua Mother, Cotabato City.
Ang paglalagdang ito ay isinagawa upang tumalima sa direktibang utos ng TESDA National na suportahan ang daan tungo sa isang libong (1,000) Partnership sa katapusan ng Marso. Kaakibat nito ay ang pagpapatibay ng samahan ng bawat organisasyon at ang pagkakaroon pa ng mga bagong opurtunidad sa lungsod ng Cotabato.
Inaasahang mas mapapaunlad pa ang antas ng pamumuhay ng mga mamamayan ng Cotabato City sa paglunsad ng mga Skills Training Program sa pamamagitan ng Bangsamoro Scholarship Program for Free TVET o BSPTVET na handog ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Government.