𝐌𝐎𝐀 𝐒𝐢𝐠𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐑𝐌𝐃𝐂 𝐚𝐭 𝐏𝐫𝐞𝐜𝐢𝐨𝐮𝐬 𝐂𝐚𝐛𝐚𝐧𝐚 𝐘𝐧𝐧𝐚 𝐑𝐞𝐬𝐨𝐫𝐭 𝐢𝐬𝐢𝐧𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚

Ang paglagda ng Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng MBHTE-TESD Regional Manpower Development Center (RMDC) at Precious Cabana Ynna Resort and Hotels ay isinagawa noong Oktubre 2, 2023 sa opisina ni Atty. Ronald Hallid Dimacisil Torres, ang may-ari ng naturang resort.

Sa ilalim nito, bibigyan ng pagkakataon ang mga nagtapos ng pagsasanay sa Housekeeping NC II na sumailalim sa on-the-job training (OJT) sa naturang resort. Ito ay magsisilbing mahalagang hakbang para magamit at mapahusay nila ang kanilang kasanayan.

Ang programang Housekeeping NC II, na inaalok ng RMDC, ay nagbibigay ng kinakailangang kaalaman at kasanayan upang maglingkod sa industriya ng turismo (hotel and restaurant). Ang napagkasunduan ng dalawang organisasyon ay magbibigay ng oportunidad sa mga Housekeeping NC II graduates na makasaksi at makapag-ambag mismo sa iba’t ibang gawain sa housekeeping.

Ang RMDC ay patuloy na nagpapatupad ng mga programa at serbisyo na naghihikayat ng mas malawak na pakikilahok sa mga industriya tungo sa pagbuo ng mga mahuhusay at bihasang manggagawang Pilipino.

#RMDC#MOASigning#OneMBHTE#NoBangsamoroLearnerLeftBehind

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *