𝐌𝐚𝐬𝐬 𝐆𝐫𝐚𝐝𝐮𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐂𝐞𝐫𝐞𝐦𝐨𝐧𝐲 𝐦𝐚𝐭𝐚𝐠𝐮𝐦𝐩𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐢𝐬𝐢𝐧𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 75 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐞𝐞𝐬

Matagumpay na isinagawa ang Mass Graduation Ceremony sa Ramain Lanao del Sur kung saan nagtapos ang 75 trainees sa ilalim ng BSPTVET Food Security Convergence ngayon araw ika-29 ng Sytembre 2023.

Ang mga nagtapos ay nagsanay ng Agricultural Crops Production NC III sa pamamagitan ng programang convergence ng mga ministries ng Ministry of Agriculture Fisheries and Agrarian Reform (MAFAR), Ministry of the Interior and Local Government (MILG), at Ministry of Trade, Investments and Tourism (MTIT). Sa nasabing graduation, malugod na dumalo ang ilang mga personalidad ng iba’t ibang ahensiya.

Ang Director ng Interior Affairs Service ng MILG BARMM na si Atty. Marvin D. Mokamad, Chief Trade Industry Development Specialist ng MTIT – LDS na si Mautante D. Marohombsar at ilang representative ng MAFAR kasama ang Provincial Director ng MBHTE TESD LDS na si Asnawi L. Bato ang iilan sa mga dumalo sa nasabing mass graduation.

Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga nabigyan ng pagkakataong magkaroon ng libre at kalidad na kasanayan sapagkat ito ay kanilang gagamitin sa pag-unlad ng kanilang kabuhayan.

#NoBangsamoroLearnerLeftBehind

#OneMBHTE

#LDS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *