𝐌𝐚𝐬𝐬 𝐆𝐫𝐚𝐝𝐮𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝟑𝟐𝟓 𝐓𝐞𝐤𝐛𝐨𝐤 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐞𝐞𝐬 𝐬𝐚 𝐩𝐫𝐨𝐛𝐢𝐧𝐬𝐲𝐚 𝐧𝐠 𝐓𝐚𝐰𝐢-𝐓𝐚𝐰𝐢, 𝐝𝐢𝐧𝐚𝐥𝐮𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐢 𝐌𝐁𝐇𝐓𝐄 𝐌𝐢𝐧𝐢𝐬𝐭𝐞𝐫 𝐈𝐪𝐛𝐚𝐥

Matagumpay na isinagawa ang Graduation Ceremony and Releasing of Training Support Fund na may Temang: ” Skills for Success: Bridging Training to Employment”. Tatlong daan at dalawampu’t limang (325) trainees ang nag tapos ng Driving NC-II, Bread and Pastry Production NC-II, Organic Agriculture Production NC-II, Computer System Servicing NC-II, at Technical Drafting NC-II sa iba’t-ibang institusyon, sa ilalim ng Bangsamoro Scholarship Program for TVET- Tulong ng Tekbok sa Pag Angat ng Bangsamoro 2024, nitong ika-26 araw ng Mayo taong 2024 na ginanap sa Maas Kamlon Hall MSU-TCTO Sanga-Sanga Bongao, Tawi-Tawi.

Nagbigay ng makabuluhang mensahe si Minister, Mohagher M. Iqbal bilang isang respetadong Guest Speaker na naging inspirasyon ng mga trainees.

“Sa araw na ito ating ipinangdiriwang ang pagtatapos ng isang mahalagang kabanata sa inyong buhay, hindi biro ang hirap at sakripisyo ng inyong pinagdaanan upang makarating sa puntong ito, lahat ng puyat, pagot at pawis na pinagdaanan. Alhamadulillah.” Minister

Nag bigay naman ng kanyang taos pusong mensahe at motivation sa mga trainees si MP Eddie M. Alih, Chair Education Committee ng Bangsamoro Transition Authority.

Labis ang saya at pasasalamat ng MBHTE-TESD Director I, Dr. Maryam S. Nuruddin sa tagumpay ng programa lalong-lalo na sa pag dalo ng ating Minister, Mohagher M. Iqbal at Eddie M. Alih at gayundin at lahat ng naging parte sa pagbuo ng programa.

#NoBangsamoroLearnerLeftBehind

#OneMBHTE

#OneTawiTawi

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *