𝐌𝐚𝐬𝐬 𝐠𝐫𝐚𝐝𝐮𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝟏𝟔𝟓 𝐭𝐫𝐚𝐢𝐧𝐞𝐞𝐬 𝐬𝐚 𝐢𝐥𝐚𝐥𝐢𝐦 𝐧𝐠 𝐓𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐓𝐞𝐤𝐛𝐨𝐤 𝐏𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐁𝐚𝐧𝐠𝐬𝐚𝐦𝐨𝐫𝐨 (𝐓𝐓𝐏𝐁), 𝐩𝐢𝐧𝐚𝐧𝐠𝐮𝐧𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐌𝐁𝐇𝐓𝐄 – 𝐓𝐄𝐒𝐃 𝐌𝐚𝐠𝐮𝐢𝐧𝐝𝐚𝐧𝐚𝐨 𝐏𝐫𝐨𝐯𝐢𝐧𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞
Ginanap kahapon, August 23, 2023 sa Ebrahim Institute of Technology, Inc. ang nasabing mass graduation ng isang daan animnapu’t lima (165) TESD iskolars sa ilalim ng programang TTPB.
Ang mga iskolars ay nagtapos sa mga sumusunod na kwalipikasyon sa mga sumusunod na TVIs:
1. Ebrahim Institute of Technology, Inc.:
a. Carpentry NC II – 25 slots
b. Masonry NC II – 25 slots
c. Driving NC II – 25 slots
2. Al – Ikhlas Institute of Technology, Inc.:
a. Bread and Pastry Production NC II – 25 slots
b. Agticultural Crops Production NC II – 20 slots
c. Organic Agricultural Produce NC II – 20 slots
d. Dressmaking NC II – 25 slots
Personal na dinaluhan ni Provincial Director Salehk B. Mangelen ang nasabing aktibidad upang makamusta ang mga nagsipagtapos at matukoy kung ano pa ang maitutulong ng ahensya upang magamit ng mga iskolars ang natutunang skills training sa kanilang paghahanap buhay.
Nagpapasalamat ang mga iskolars sa benepisyong skills training na naibahagi sa kanila ng TESD.