𝐌𝐚𝐭𝐚𝐠𝐮𝐦𝐩𝐚𝐲 𝐧𝐚𝐢𝐬𝐢𝐧𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐈𝐧𝐝𝐮𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦 (𝐓𝐈𝐏) 𝐬𝐚 𝐢𝐥𝐚𝐥𝐢𝐦 𝐧𝐠 𝐒𝐩𝐞𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐟𝐨𝐫 𝐄𝐦𝐩𝐥𝐨𝐲𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦 (𝐒𝐓𝐄𝐏), 𝟏𝟐𝟑 𝐭𝐫𝐚𝐢𝐧𝐞𝐞𝐬 𝐬𝐚𝐬𝐚𝐢𝐥𝐚𝐥𝐢𝐦 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐬𝐚𝐬𝐚𝐧𝐚𝐲.

Sa ilalim ng Special Training for Employment Program (STEP), matagumpay na naisagawa ang Training Induction Program (TIP) noong ika-7 ng Agosto taong 2024, sa Along Narciso Ramos Highway, Poblacion Parang, Maguindanao Del Norte-BARMM. Ang TIP ay isang mahalagang hakbang upang ihanda ang mga trainees sa kanilang magiging trainings.

Umabot sa 123 trainees ang mapalad na makapagsanay sa mga kwalipikasyong:

• Electric Installation Maintenance NC-II

• Cookery NC-II

• Masonry NC-II

Ang mga kwalipikasyon na ito ang magbibigay sa kanila ng de-kalidad na kasanayang magagamit sa hinaharap na mga oportunidad sa trabaho.

Kasama sa mga benepisyong matatanggap ng mga trainees ang libreng trainings, libreng assessment, at training support fund, mga tulong na magbibigay sa kanila ng karagdagang suporta upang maabot ang kanilang mga pangarap.

Ang TIP ay idinaos upang mabigyan ng malinaw na gabay ang mga trainees tungkol sa kanilang mga pagsasanay at upang ipaliwanag ang mga benepisyong kaakibat ng mga ito. Ang programa ay naglayong palakasin ang kanilang determinasyon at paghahanda para sa darating na mga pagsubok at tagumpay.

#OneMBHTE

#NoBangsamoroLearnerLeftBehind

#TIPSTEPMaguindanao

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *