𝐌𝐠𝐚 𝐏𝐫𝐨𝐝𝐮𝐤𝐭𝐨𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐧𝐠𝐬𝐚𝐦𝐨𝐫𝐨, 𝐢𝐬𝐢𝐧𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝐢𝐤𝐚-29 𝐧𝐚 𝐀𝐧𝐢𝐛𝐞𝐫𝐬𝐚𝐫𝐲𝐨 𝐧𝐠 𝐓𝐄𝐒𝐃𝐀

Mga produkto na gawa at mula sa iba’t ibang kultura ng Bangsamoro, masugid na isinulong ng Ministry of Basic, Higher and Technical Edudcation (MBHTE-TESD) sa ika-29 na Anibersaryo ng TESDA. Pinagmamalaking tinampok ng MBHTE TESD ang tennun mula Basilan, inaul galing sa Maguindanao, langkit mula sa Lanao del Sur, pis syabit mula Sulu, mga hinabing banig gawa sa dahon ng pandan mula Tawi-Tawi, at iba’t ibang mga kakanin mula sa rehiyon.

Taon-taon, tuwing ika-25 ng Agosto, ipinagdiriwang ng TESDA ang National Tech-Voc Day alinsunod sa batas Republic Act No. 10970. Ngayong taon, isa sa mga pangunahing aktibidad ng Ahensaya ay ang tatlong araw (3-day) na TESDA Skills Fair kung saan ang iba’t ibang rehiyon ng bansa ay binigyang pagkakataon maitanghal ang mga produktong lokal mula sa kani-kanilang mga lugar sa SM Mega Mall, Mandaluyong City.

Pangunahing layunin ng TESDA Skills Fair na magsilbing tulay maipaalam ang iba’t ibang programa ng Ahensya, masigurong mailapit at makapag-ugnayan sa mas nakararaming publiko. Tampok din sa nasabing Skills Fair ang demonstrasyon ng iba’t ibang skills o kasanayan sa tekbok.

Kasabay ng selebrasyon ang pagtatanghal ng mga parangal tulad ng TESDA Kabalikat Awards at TESDA Idols kung saan isa ang BARMM sa mga tatanggap ng panalo para sa wage-employed category ng TESDA Idols.

Nagpaabot ng pasasalamat ang MBHTE TESD sa malaking suportang binigay ng BARMM Manila Liaison Office (MLO), sa pangunguna ni Dir. Gafur Kanain at kaniyang mga staff.

Opisyal na binuksan ang TESDA Skills Fair ngayong araw ikaw-22 ng Agosto at magtatapos sa ika-24 ng Agosto.

#OneMBHTE

#NoBangsamoroLearnerLeftBehind

+2

All reactions:

11Almujahid Ebrahim and 10 others

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *