𝐌𝐠𝐚 𝐤𝐚𝐛𝐚𝐛𝐚𝐢𝐡𝐚𝐧 𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐬𝐢𝐩𝐚𝐥𝐢𝐝𝐚𝐝 𝐧𝐠 𝐁𝐮𝐛𝐨𝐧𝐠, 𝐋𝐚𝐧𝐚𝐨 𝐝𝐞𝐥 𝐒𝐮𝐫, 𝐢𝐬𝐢𝐧𝐚𝐢𝐥𝐚𝐥𝐢𝐦 𝐬𝐚 𝐂𝐮𝐥𝐦𝐢𝐧𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦
Isinagawa ng MBHTE-TESD Provincial/City Manpower Development Center ang Culmination Program para sa mga kababaihan mula sa Munisipalidad ng Bubong, Lanao del Sur.
Ang mga kababaihang nagtapos ay sumailalim sa Cake Making at Bread Making Skills Training, at isa ito sa mga naging programa at aktibidad ni MBHTE-TESD PCMDC Center Chief Insanoray Amerol-Macapaar para sa mga kababaihan o Gender and Development (GAD).
Dumalo sa nasabing programa ang mga empleyado ng Bubong LGU na sina Admin Jamal Manua, at Chief-of-Staff Rinandang Agakhan. Kasama din ang mga empleyado ng PCMDC na sina Information Officer Sittie Aina A. Yahya, Scholarship Focal Nashmer A. Bantuas, Community Based Focal Alnisah A. Abdulatip, BPP Trainer Ryan P. Pukunum, at Liaison Officer Hamza A. Hadji Ali.
Isinagawa ang aktibidad noong Hulyo 5, 2023 sa Municipal Gymnasium, Brgy. Montiaan, Bubong, Lanao del Sur.
#GanapSaPCMDC#CulminationProgram#TESDAAbotLahat#OneMBHTE#NoBangsamoroLearnersLeftBehind
All reactions:
33