𝐌𝐠𝐚 𝐤𝐚𝐛𝐚𝐛𝐚𝐢𝐡𝐚𝐧 𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐬𝐢𝐩𝐚𝐥𝐢𝐝𝐚𝐝 𝐧𝐠 𝐏𝐢𝐚𝐠𝐚𝐩𝐨, 𝐋𝐚𝐧𝐚𝐨 𝐝𝐞𝐥 𝐒𝐮𝐫, 𝐬𝐮𝐦𝐚𝐢𝐥𝐚𝐥𝐢𝐦 𝐬𝐚 𝐓𝐈𝐏
Dalawampu’t limang kababaihan na naninirahan sa Camp Ali, isinailalim ng MBHTTE-TESD Provincial/City Manpower Development Center sa Training Induction Program o TIP kahapon, Nobyembre 7, 2023, na ginanap sa Camp Ali, Brgy. Rantian, Piagapo, Lanao del Sur.
Pinangunahan ni PCMDC Information Officer Sittie Aina A. Yahya ang nasabing TIP kasama si Scholarship Focal Sittie Janisah Batugan. Tinalakay sa TIP ang pagkakaroon ng libre at kalidad na Dressmaking NC II skills training, tatlong-araw na Values Transformation Training (VTT), at training support fund o allowance para sa mga skolar.
Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga kabilang sa nabigyan ng pagkakataong makapagsanay ng libre at kalidad na edukasyon. Patuloy ang paghatid ng walang sawang serbisyo ang opisina ng PCMDC na pinamumunuan ni Administrator Insanoray Macapaar, upang mas mapalawak pa ang sakop ng pagbibigay ng kalidad na kasanayan.
#GanapSaPCMDC#TIP#TESDAAbotLahat#OneMBHTE#NoBangsamoroLearnerLeftBehind