𝐌𝐢𝐝-𝐘𝐞𝐚𝐫 𝐏𝐞𝐫𝐟𝐨𝐫𝐦𝐚𝐧𝐜𝐞 𝐀𝐬𝐬𝐞𝐬𝐬𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐧𝐠 𝐓𝐄𝐒𝐃 𝐢𝐬𝐢𝐧𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐬𝐚 𝐁𝐚𝐬𝐢𝐥𝐚𝐧

Isinagawa ng Technical Education and Skills Development (TESD) ang mid-year performance assessment (MYPA) na dinaluhan ng lahat ng opisina ng TESD mula sa ibat ibang probinsya ng Bangsamoro Region nitong July 24-30, 2022 sa Lamitan City,Basilan.

Layunin ng MYPA na masuri at masiguro ang kalidad ng serbisyong hatid ng bawat opisina ng TESD. Nagkaroon din ng validation para sa Office Performance Commitment Review ng bawat operating unit ng ahensya kung saan makikita kung naabot ba ng bawat opisina ang mga target at accomplishments nito para sa buwan ng January hanggang June 2022.

Napag-usapan din sa MYPA ang mga susunod na hakbang na gagawin ng ahensya upang lalo pang mapabuti ang mga programa at serbisyo nito. Maliban dito, ito din ay naging isang daan upang mapag-usapan ang mga isyu at solusyon sa mga pagsubok na hinaharap ng TESD.

#tesdmoralgovernance #nobangsamoroleftbehind

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *