𝐎𝐜𝐮𝐥𝐚𝐫 𝐈𝐧𝐬𝐩𝐞𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐩𝐚𝐭𝐮𝐥𝐨𝐲 𝐧𝐚 𝐢𝐬𝐢𝐧𝐚𝐬𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐓𝐕𝐈𝐬 𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐠𝐮𝐢𝐧𝐝𝐚𝐧𝐚𝐨

Sa layuning mapaghandaan ang pagsasanay ng mga Trainees ay nagsagawa ng Ocular Inspection sa Kauran, Ampatuan, Maguindanao Del Sur ang mga empleyado ng MBHTE TESD Maguindanao Provincial Office.

Isinagawa ang nasabing inspeksyon sa TVI ng VMC Asian College Foundation, Inc. kung saan ipinakita nila ang kanilang mga kagamitan na magagamit ng mga magsasanay ng Driving NC II. Pinangunahan ng UTPRAS Focal na si Noraisa B. Saban ang nasabing inspeksyon katuwang ang CAC Focal ng nasabing opisina na si Rafsanjaneeh M. Sinsuat.

Patuloy na ginagawa ng opisina ang lahat ng kanilang makakaya upang mas mapabuti pa ang paghahatid ng kalidad na edukasyon at kasanayan para sa lahat ng mamamayan.

#NoBangsamoroLearnerLeftBehind #OneMBHTE

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *