𝐎𝐧𝐠𝐨𝐢𝐧𝐠 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐏𝐏𝐎-𝐏𝐍𝐏 𝐚𝐭 𝐌𝐠𝐚 𝐂𝐢𝐯𝐢𝐥𝐢𝐚𝐧𝐬 𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐠𝐮𝐢𝐧𝐝𝐚𝐧𝐚𝐨 𝐝𝐞𝐥 𝐍𝐨𝐫𝐭𝐞 𝐚𝐲 𝐦𝐚𝐭𝐚𝐠𝐮𝐦𝐩𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐢𝐬𝐢𝐧𝐚𝐬𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐧𝐠 𝐑𝐌𝐃𝐂

Kasalukuyang ginaganap ang pagsasanay ng Police Provincial Office (PPO)-Philippine National Police (PNP) at mga civilians ng Maguindanao del Norte sa ilalim ng BSPTVET (FREETVET) Scholarship Program.

Ang pagsasanay na ito ay para sa kwalipikasyon na Electronic Products Assembly and Servicing NC II at ginaganap sa Old Capitol, Crossing Simuay, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.

Isang hakbang tungo sa mas maliwanag na kinabukasan para sa ating mga kababayan, ang pagsasanay na ito ay magbibigay ng mahahalagang kaalaman at kasanayan na magagamit nila sa kanilang mga trabaho at komunidad.

Patuloy nating suportahan ang ganitong mga programa para sa pag-unlad at kapayapaan ng ating bayan.

#PPOPNP#RMDC#NoBangsamoroLearnersLeftBehind

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *