𝐎𝐫𝐢𝐞𝐧𝐭𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐚𝐭𝐚𝐠𝐮𝐦𝐩𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐩𝐚𝐠 𝐢𝐦𝐩𝐥𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐧𝐠 𝐒𝐨𝐥𝐚𝐫 𝐒𝐲𝐬𝐭𝐞𝐦

Sa pakikipagtulungan ng Austalian Government at ng PBSP o mas kilala sa Philippine Business for Social Program ay matagumpay na sinimulan ang Solar Sytem na gagamitin ng mga Trainees kung saan kabilang dito ang MBHTE-TESD at ang SUNFINITY.

Nag-sagawa ng orientation ang nabanggit na ahensya noong May 23, 2023 sa Brgy. Kurintem, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao. Nakatuon ang nasabing orientation upang malaman ang magiging functions nito sa pagpapanatili ng maayos na gagamitin ng mga non-combatants sa kanilang pagsasanay. Ibinida rin ng SUNFINITYPH ang kanilang matagumpay na proyekto sa mga dumalo.

Ayon pa sa kay MILF-BIAF Bob Akmad, “Sa totoo lang, ngayon lang naming naramdaman na talagang may gobyerno at may mga taga ibang bansa na talagang tutulongan kami.” Dahil isa sila sa mga nabigyan ng ganitong klaseng proyekto.

Pinunangunahan naman ng MBHTE TESD Provincial Director Maguindanao, Salehk B. Mangelen at iba pa niyang kasamahan sa Provincial Office ng Maguindanao ang nasabing programa. Dumalo rin sina Engr. Jordan B. Hollero – PBSP Construction Manager, Engr. Allan U. Samadalan – PBSP Site Engr., Commander Abubakar Akmad at ang Camp Coordinator na si Sukarno Akmad.

Patuloy na ginagawa ng MBHTE TESD Maguindanao Provincial Office ang lahat ng kanilang makakaya upang masigurong kalidad na serbisyo ang maibabahagi sa bawat mamamayan.

#NoBangsamoroLearnerLeftBehind

#OneMBHTE

+2

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *