𝐎𝐮𝐭𝐫𝐞𝐚𝐜𝐡 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦 𝐚𝐭 𝐍𝐮𝐭𝐫𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐡 𝐂𝐞𝐥𝐞𝐛𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐢𝐬𝐢𝐧𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐧𝐠 𝐌𝐁𝐇𝐓𝐄-𝐓𝐄𝐒𝐃
Bilang parte ng selebrasyon ng buwan ng nutrisyon, limampung (50) mga bata mula sa Baranggay Rebuken Sultan Kudarat ang nakatanggap ng food packs, mga laruan at papremyo sa isininagawang programa ng Regional Office ng Technical Education and Skills Development.
Layunin ng programa na mabigyang tuwa ang mga bata at maipamahagi sakanila ang importansya ng tamang nutrisyon. Nagkaroon din ng palaro para sa mga ito kung saan sila ay nabigyan ng premyo tulad ng party bag na may lamang mga pagkain at laruan.
Ang inisyatibong ito ay mula sa bawat emplyado ng TESD regional office na kusang nagbigay ng kanilang maitutulong sa pangunguna ni Director Jonaib Usman, ang Director II ng ahensya. Patuloy na magsasagawa ang MBHTE TESD ng outreach program bilang pagtupad sa mandato nitong no bangsamoro child is left behind.