𝐏𝐚𝐠𝐛𝐢𝐛𝐢𝐠𝐚𝐲 𝐍𝐠 𝐄𝐥𝐞𝐜𝐭𝐫𝐨𝐧𝐢𝐜 𝐂𝐞𝐫𝐭𝐢𝐟𝐢𝐜𝐚𝐭𝐞𝐬 (𝐄-𝐂𝐞𝐫𝐭𝐬), 𝐏𝐢𝐧𝐚𝐩𝐚-𝐢𝐠𝐭𝐢𝐧𝐠

Ang Technical VocationaI Institute (TVI) na VMC Asian College Foundation, Inc. sa Brgy. Kauran, Ampatuan, Maguindanao del Norte, BARMM ay isa lamang sa mga assessment centers sa probinsya ng Maguindanao na handa nang magbigay ng E – Cert sa mga TESD iskolars nito na pumasa sa kani – kanilang asesments matapos ang kani – kanilang pagsasanay sa mga kwalipikasyong inaral ng mga ito.

Nito lamang September 16, 2023 ay sinimulan na nilang magrilis ng E – Cert sa sampu (10) nilang trainees na matagumpay na nakapasa sa asesment ng Organic Agriculture Production NC II.

#NoBangsamoroLearnerLeftBehind

#OneMBHTE

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *