๐๐š๐ ๐ก๐š๐ก๐š๐ง๐๐š ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐๐จ๐ฌ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ๐ž ๐๐ž๐š๐œ๐ž ๐๐ซ๐จ๐ฃ๐ž๐œ๐ญ (๐Ÿ‘๐โ€™๐ฌ) ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐ฌ๐š๐ฆ๐จ๐ซ๐จ ๐˜๐จ๐ฎ๐ญ๐ก ๐‚๐จ๐ฆ๐ฆ๐ข๐ฌ๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐Ÿ๐ŸŽ๐ŸŽ ๐ฒ๐จ๐ฎ๐ญ๐ก ๐œ๐จ๐ฆ๐›๐š๐ญ๐š๐ง๐ญ๐ฌ, ๐ฌ๐ข๐ง๐ฎ๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ๐š๐ก๐š๐ง ๐ง๐  ๐Œ๐๐‡๐“๐„ โ€“ ๐“๐„๐’๐ƒ ๐‘๐ž๐ ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐š๐ญ ๐Œ๐š๐ ๐ฎ๐ข๐ง๐๐š๐ง๐š๐จ ๐๐ซ๐จ๐ฏ๐ข๐ง๐œ๐ข๐š๐ฅ ๐Ž๐Ÿ๐Ÿ๐ข๐œ๐ž

Bilang paghahanda sa nalalapit na pagsisimula ng programang Positive Peace Project ng Bangsamoro Youth Comission (BYC), nagkaroon ng Collaborative Designing Workshop ang BYC kung saan nagsamasama ang mga sumusunod na opisina at organisasyon upang makita at masiguro na magiging maayos ang pagtakbo ng nasabing programa:

1. Bagsamoro Youth Commission

2. Cooperative and Social Enterprise Authority (CSEA)

3. United Nations Development Programme

4. IMPACT Initiatives

5. MBHTE โ€“ TESD Regional Office

6. MBHTE โ€“ TESD Maguindanao Provincial Office

Ayon sa Youth Development Officer na si Settie Ivy Ampatuan, ang 3Pโ€™s ay isang proyekto ng BYC kung saan 200 youth combatants na mula sa limang (5) probinsya ng BARMM ang dumaan sa proseso ng Rapid Area Assessment bago mapabilang sa programa.

Layunin ng programa na tulungan ang nasabing mga kabataan na makabuo ng kooperatiba pagkatapos ng mga skills trainings na hatid ng MBHTE โ€“ TESD upang itoโ€™y makatulong sa kanila sa paghahanap-buhay. Maliban sa skills trainings, sila rin ay babahagian ng trainings on leadership and entrepreneurship.

Patuloy ang koordinasyon sa pagitan ng mga nasabing mga ahensya ng gobyerno hanggang sa pagtatapos ng nasabing proyekto.

Ito ay ginanap noong August 22, 2023 sa Jade Hall, EMS Manor, Cotabato City sa pangunguna ng BYC.

#NoBangsamoroLearnerLeftBehind

#OneMBHTE

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *