𝐏𝐚𝐠𝐩𝐚𝐩𝐚𝐭𝐮𝐩𝐚𝐝 𝐧𝐠 𝐓𝐞𝐜𝐡𝐧𝐢𝐜𝐚𝐥 𝐕𝐨𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐄𝐝𝐮𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 (𝐓𝐕𝐄𝐓) 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐃𝐞𝐜𝐨𝐦𝐦𝐢𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐂𝐨𝐦𝐛𝐚𝐭𝐚𝐧𝐭𝐬 𝐦𝐚𝐭𝐚𝐠𝐮𝐦𝐩𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐧𝐚𝐢𝐬𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚.
Regional Manpower Development Center kasama ang United Nations Development Programme (UNDP), MBHTE-TESD Maguindanao Provincial Office, PROACTIVE at Bangsamoro Development Agency Inc. (BDA), matagumpay na naisagawa ang Training Induction Program para sa kwalipikasyon na PV Systems Installation NC II.
Tatlompu’t Isa (31) na Decomission Combatants na taga Brgy. Muti, Guindulungan, Maguindanao del Sur ang mga kalahok sa nasabing kaganapan, sila ay magiging iskolar ng Bangsamoro Scholarship Program for TVET.
Nagpapasalamat ang mga iskolar dahil sa malaking oportunidad na mangyayari at makakatulong din ito para sa kanilang kabuhayan.