๐๐๐ ๐ฌ๐๐ฌ๐๐ง๐๐ฒ ๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐๐ ๐๐ง๐ฌ๐ญ๐ข๐ญ๐ฎ๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ ๐ญ๐ฎ๐ง๐ ๐จ ๐ฌ๐ ๐๐ฎ๐๐ฅ๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐๐ง๐๐ ๐๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐๐ฒ๐ฌ๐ญ๐๐ฆ, ๐ฆ๐๐ญ๐๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐๐ฒ ๐ง๐ ๐ข๐๐ข๐ง๐๐จ๐ฌ
MBHTE TESD Technology Institutions (TTIs), Provincial Offices, at mga pribadong training centers sa ibaโt ibang probinsya ng BARMM nakilahok sa dalawang araw na Quality Management System (QMS) training na ginanap noong September 1 โ 2, 2023 sa Sunny Point Hotel, Maa Road, Davao City.
Pinamagatang โQuality Management System: Preparing for Quality Assurance in Technical Vocational Education and Training (TVET)โ, ang nasabing training ay naglalayon maiangat ang kalidad ng tekbok sa pamamagitan ng pagsasaayos nga mga proseso at serbisyo alinsunod sa Quality Management System.
Inorganisa ng Mindanao TVET Association (MinTVET) ang nasabing aktibidad kasama ang Unified TVET of the Philippines (UniTVET) at Private Education Assistance Committee (PEAC) para sa mga institusyon ng tekbok upang (1) mas mapahusay pa ang kanilang kaalaman at management skills sa tekbok, (2) makapagbigay daan sa mga TVET administrators at managers, mga training and non-training personnel na matutunan ang ibaโt ibang stratehiya upang harapin ang mga makabagong hamon sa quality assurance, at (3) mas mapabuti pa ang pamamalakad at pamamahala ng mga TVET administrators sa pamamagitan ng accreditation at certification system.