𝐏𝐚𝐦𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐠𝐢 𝐧𝐠 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐒𝐮𝐩𝐩𝐨𝐫𝐭 𝐟𝐮𝐧𝐝 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝟐𝟎 𝐧𝐚 𝐢𝐬𝐤𝐨𝐥𝐚𝐫𝐬.

Matagumpay ang pamamahagi ng training Support fund para sa 20 na iskolars sa ilalim ng Bangsamoro Scholarship Program – Tulong ng Tekbok para sa pag-angat ng Bangsamoro o BSP-TTPB noong ika – 19 ng Setyembre, 2023 sa may Computer Graphics Learning Center Sulu, Duhul Bato, Maubuh Sulu.

Ang mga iskolar ay nakapagtapos ng kursong o kwalipikasyon Computer System servicng NC II na tumagal ng 35 araw ng pagsasanay at tatlong araw ng Values Transformation training.

Maliban sa libring training at mandatory assessment pagkatapos ng pagsasanay sa napiling kwalipikasyon kalakip ng programa ang makatanggap ng Training Support Fund o TSF ang bawat iskolar na may kaukulang halaga, nasa isang daang walungput(180) kada araw, nakadipende sa tagal ng pagsasanay at matatanggap ng bawat iskolars.

#nobangsamorolearnersleftbehind

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *