𝐏𝐚𝐦𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐠𝐢 𝐧𝐠 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐒𝐮𝐩𝐩𝐨𝐫𝐭 𝐟𝐮𝐧𝐝 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐢𝐬𝐤𝐨𝐥𝐚𝐫𝐬 𝐬𝐚 𝐢𝐥𝐚𝐥𝐢𝐦 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐧𝐠𝐬𝐚𝐦𝐨𝐫𝐨 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐥𝐚𝐫𝐬𝐡𝐢𝐩 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦.

Pamamahagi ng TESD Sulu Provincial office training Support fund para unang bahagi ng mga iskolars ng Sulu College of Technology sa ilalim ng Bangsamoro Scholarship Program – Tulong ng Tekbok para sa pag-angat ng Bangsamoro o BSP-TTPB noong ika – 20 ng Setyembre, 2023 na ginanap sa Sulu College of Technology, Godinez st. Latih, Patikul, Sulu.

Ang 85 iskolars ay nakapagtapos ng ibat ibang kwalipikasyon tulad ng Computer System Servicing NC II, Cookery NC II, Bread and Pastry Production NC II at Electrical Installation and Maintenance NC II.

Maliban sa libring training at mandatory assessment pagkatapos ng pagsasanay sa napiling kwalipikasyon kalakip din ng BSP-TTPB ang makatanggap ng Training Support Fund o TSF ang bawat iskolars na may kaukulang halaga, nasa isang daang walungput(180) kada araw, nakadipende sa tagal o haba ng araw ng pagsasanay ang matatanggap ng bawat iskolars.

#nobangsamorolearnersleftbehind

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *