𝐏𝐚𝐧𝐠𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐭𝐜𝐡 𝐧𝐠 𝐓𝐌 𝐡𝐨𝐥𝐝𝐞𝐫 𝐚𝐬𝐩𝐢𝐫𝐚𝐧𝐭𝐬, 𝐢𝐬𝐢𝐧𝐚𝐢𝐥𝐚𝐥𝐢𝐦 𝐬𝐚 𝐬𝐜𝐫𝐞𝐞𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐩𝐫𝐨𝐜𝐞𝐬𝐬

Nagkaroon ulit ng TM Level I Screening Process para sa mga TM applicants sa opisina ng MBHTE-TESD Provincial/City Manpower Development Center, Mayo 2, 2023.

Ang nasabing screening process ay pinangunahan ni MBHTE-TESD PCMDC Administrator Insanoray Macapaar, na isa rin sa mga nag-iinterbyu sa mga aplikante.

Ito ay binubuo ng paper screening sa pangunguna ni PCMDC Scholarship Focal Nashmer Bantuas, oral questioning naman sa pangunguna ni TM Facilitator Mahid Hadji Salic. Meron ding computer-literacy test, na huling hakbang ng screening process.

Ang mga papalaring papasa sa screening process ay sasailalim sa tatlumpo’t tatlong (33) araw na skills training.

#GanapSaPCMDC #ScreeningProcess #TESDAAbotLahat #OneMBHTE #NoBangsamoroLearnersLeftBehind

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *