𝐏𝐞𝐫𝐬𝐨𝐧𝐬 𝐃𝐞𝐩𝐫𝐢𝐯𝐞𝐝 𝐨𝐟 𝐋𝐢𝐛𝐞𝐫𝐭𝐲, 𝐧𝐚𝐠𝐭𝐚𝐩𝐨𝐬 𝐬𝐚 𝐢𝐥𝐚𝐥𝐢𝐦 𝐧𝐠 𝐁𝐒𝐏𝐓𝐕𝐄𝐓𝟐𝟎𝟐𝟑
Nagtapos ngayong araw, Pebrero 20, 2024, ang mga PDLs sa Provincial Jail, Tampilong, Marawi City. Ito ay pinangunahan ni MBHTE-TESD Provincial/City Manpower Development Center Insanoray Macapaar.
Dumalo sa seremonya si Provincial Warden Wardia Usman at mga empleyado ng Provincial Jail.
Ang mga nagtapos ay sumailalim sa Bread and Pastry Production skills training, at isa sila sa mga special clients ng TESDA Central Office at ang pagbibigay serbisyo at kalidad na skills training sa kanila ay isa sa mga pangunahing programa ng ahensya.
Masayang tinanggap ng mga nagtapos ang kanilang training certificate at training support fund.
#GanapSaPCMDC#TESDAAbotLahat#OneMBHTE#NoBangsamoroLearnersLeftBehind