𝐏𝐢𝐧𝐚𝐤𝐚𝐮𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐑𝐂𝐄𝐅-𝐑𝐄𝐒𝐏 𝐭𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐁𝐀𝐑𝐌𝐌 𝐢𝐬𝐢𝐧𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐬𝐚 𝐌𝐚𝐠𝐮𝐢𝐧𝐝𝐚𝐧𝐚𝐨
Pinakaunang RCEF-RESP training ng BARMM isasagawa sa Maguindanao
150 na kwalipikadong magsasaka mula sa ibat ibang Marketing Cooperative Association sa Maguindanao ang mga naging benepisyaryo ng Rice Competitiveness Enhancement Fund- Rice Extension Program (RCEF-RESP). Isinagawa ang Training Induction Program para sa mga ito nitong October 5,2022 sa Brgy. Manongkaling, Mamasapano, Maguindanao del Sur.
Sa ilalim ng programang ito na hatid ng ibat ibang ahensya ng gobyerno makakatanggap sila ng training na nakatuon sa production ng inbred rice and seed, farm mechanization, at iba pang skills na pang agrikultura.
Bilang scholar naman sa ilalim ng Bangsamoro Scholarship Program for TVET sila ay makakatanggap ng libreng 14-session skills training, libreng 3-days entrepreneurship training, training allowance, health protection equipment at internet allowance. Sila rin ay mabibigyan ng libreng
Ang extension services ay isasagawa sa pamumuno ng Department of Agriculture – Agriculture Training Institute, Philippine Rice Research Institute (PhilRice), Philippine Center for Post harvest Development and Mechanization (PhilMech) katuwang ang Technical Education and Skills Development ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE-TESD) , Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform (MAFAR), National Irrigation Administration (NIA), Landbank at DBP.
Ang mga pagsasanay ay isasagawa sa sumusunod na mga Barangay katuwang ang iba’t ibang mga Marketing Cooperative at Association.
Manongkaling Bangsamoro Alliance Farmer’s Marketing Cooperative (25 slots), Poblacion Mamasapano Al-Rahim Farmer’s Marketing Cooperative (25 slots), Tapikan Al-Dawaling Irrigation Association (25 slots), Lapok Al-Murak Irrigation Association (25 slots), Shariff Saydona Mustapha: Datu Kilay Farmer’s Marketing Cooperative (25 slots), Linantangan Al-Ansari Irrigation Association (25 slots)
Ang RCEF – RESP Farmer’s Field School ay naglalayon na i-angat ang produksyon ng kalidad na bigas sa pamamagitan ng pagbibigay ng edukasyon tungkol sa High-Quality Inbred Rice, Seed Certification and Farm Mechanization at ituturo din ang kalidad na kasanayan sa mga magsasanay dito.